Pacers, Rockets Handang Magtungali

Martes, Ika 10 ng Oktubre, 2013, 7:30 ng umaga sa Mall of Asia Arena (Maynila, Pilipinas) Pangunahing Ulat ng Laro na Preseason: Pacers vs Rockets

Scott Agness | October 8, 2013

Pantayan

Ang Pacers at Houston Rockets ay mag-lalaban sa kauna-unahang laro ng NBA sa Pilipinas Mapapanood ng mga nasa Hoosier State ang laban sa Martes, 7:30 ng umaga sa ET sa Fox Sports Indiana. Ang Laro sa Huwabes ay Ipapalabas muli ng 1:00 ng hapon at 8:oo ng gabi. Ang iyong Browser ay di kaya ang iframes.

Ang Pacers ay isa sa 12 koponan na kalahok sa Pandaigdigan Palaro ng NBA na ipapalabas sa 215 na mga bansa at teritoryo at susundan ng mahigit sa 1,138 miyembro ng media. Huling naglaro ang Pacers sa ibang bansa nuong 2009, sa Taipei at Beijing. Sina Danny Granger at Roy Hibbert lang ang mga nakapaglaro noon sa koponan ngayon.

Masigla at puno ng pasyon ang partisipasyon ang nangaling sa mga fans sa Maynila para mapanood ang pinaka-unang laro ng Pacers sa Pilipinas. Samantala, kinagagalak ng koponan na maging bahagi at makatulong sa pag-papaunlad ng NBA at ma-explore ang mga bagong bansa.

Kahit anupaman, ito ay isang lakbay-gawain kaya ito ay pagkakataon pa rin para pagbutihin ng coach ng Pacers na si Frank Vogel para pagalinging ang koponan para sa regular na season ng NBA kung kalian magsisumala sa ika-29 ng Oktubre. Matapos dumating nuong Lingo ng gabi – oras ng Indiana, una ng 12 oras ang Maynila – ang koponan ay nagpahinga nuong Lunes bago nag praktis ng matindi ng Martes.

Di kagaya ng unang laro kung saan natalo ang Pacers sa kanilang bayan sa Chicago ng 82-76, planong ipaglaro ni Vogel ang ibat-ibang manlalaro at bigyan ng panahon lahat sa koponan. Umasang mag-lalaro ng higit-kumulang na 20 minuto ang bawat isa sa mga pangunahing manlalaro.

Tinalo din ng Rockets sa kanilang unang laro ng preseason 116-115 laban sa New Oleans nung Sabado ng gabi. Umaasang malaki ang idudulot na kabutihan ang pagdagdag ni Dwight Howard matapos siyang ipirma sa koponan. Sa huling limang kanyang pinag-pipilian, - ang Hawks, Lakers, Mavericks, Rockets at Warriors – minabuti niyang piliin ang Houston, kasama ang isang mahirap na makuhang forward na si Chandler Parsons. Ang Rockets nagyon ay may napakalakas na tatlong manlalarong sina James Harden, Parsons at Howard, at umaasang maging malakas ang kanilang koponan patungong makamtan ang titulo sa pangangalaga ni coach Kevin McHale.

Sa nakaraang taon ng paglalaro, ang Rockets any 45-37 at tinalo ng Oklahoma City Thunder sa anim na laro sa unang ikot ng playoffs. Sila ang pinakamataas ang puntos sa buong liga na isang magandang pang-salungat sa pinakamagaling na depensa ng Pacers sa liga.

Maaring Pangunahing Manlalaro

Roy Hibbert

Roy Hibbert

David West

David West

Paul George

Paul George

Lance Stephenson

Lance Stephenson

George Hill

George Hill

Dwight Howard

Donatas Motiejunas

Chandler Parsons

James Harden

Jeremy Lin

Ulat ng Kapinsanan

Pacers: Wala

Rockets: Omer Asik (binti), Marcus Camby (talampakan), Francisco Garcia (singit)

Ayon sa Kanila

“Maglalaro kami para manalo, pero titingnan naming ang iba’t ibang kombinasyon at bibigyan ng pagkakataon ang mga kailangang maglaro kaya di naming gagawin ang pagha-halili kagaya ng sa regular na laro.” – Frank Vogel

“Gustong-gusto ko. Gustong-gusto ko na ang NBA ay nilalaro sa buong mundo pati ang suporta dito sa Pilipinas at sa Tsina. kung saan kami pumunta dati sa Taipei, talagang global. Nakaka-pangibabaw ng damdamin para sa akin na nakahahalina, isang bagay na aking aangkinin.” Napakaganda ng dulot nito sa laro kasama ng supporting aming natanggap dito.” Frank Vogel tungkol sa Palarong Pandaigdigan.

“Naguumapaw ang pasyon. Kahit saan ko pumunta ay mayroong basketbolan, makikita mo basketbolan kahit saan, makikita mga nagdi-dribol. Papuntang otel, aming napansin na napakaraming basketbolan at lahat kami ay napasabing, ‘Tama ka nga, Sloan.’” – Donald Sloan, dating maglalaro sa Maynila, sa sinabi ng kanyang ka-koponan tungkol sa Maynila.

“Kay sarap ng pakiramdam na makapaglaro dito sa ibang lugar na naiiba ang kultura at ikaw ay ituring na kanila. Lahat sa Pilipinas ay hilig ang NBA at nakakaganang mag-laro ng mahusay.” – Roy Hibbert

“Napaka-pisikal… Malakas dumipensa at magaling sa opensa, kahit ano pa ang sabihin ng iba. Magaling siya gumalaw doon. Ako ay hindi nito pahihingahin at di na ako makapaghintay lumaban.” – Roy Hibbert tungkol kay Dwight Howard

Katangi-tangi

  • Panalo ang Pacers sa huling tatlong pagtatagpo kalaban sa Houston sa regular na season.
  • Panalo ang Bulls sa huling limang magkakasunod na pagtatagpo sa Pacers sa preseason. Ang Huling panalo ng pacers sa preseason ay nuong 2008 kung kelan sial ay naglaban sa Fort Wayne.
  • Sa biyaheng ito, ang Pacers ay lumakbay ng 16,670 milya sa eroplano – pangalawang pinaka-mahabang biyahe na nalampasan lamang ng Houston (17,200).

Huling Pagtagpo

Ika 27 ng Marso: Nag-tagpo ang Pacers at Rockets dalawang beses sa nakalipas na taon at nanalo sa parehong laban, kasama ang 100-91 na panalo sa Houston nuong Marso. Sa labang ito, napigilan nila ang pag-iskor ng mahigit 15 puntos na mas mababa sa kanilang katampatan na siyang pinakamataas sa liga. Pero ang bangko ng Houston ay nahigitan ang sa Indiana ng 42-17 puntos. Ang Pacers ay lamang ng 16 matapos ang unang sangkapat ng laro at hindi nalampasan kahit ano. Ang kapanaluhan ay nagging isang matagummpay na lakbay sa Kanluran, at nang umuwi ang Pacers ay apat na magkasunod ang panalo.

Madambuhala ang laro Roy Hibbert sa Houston. Umiskor siya ng 28 puntos sa 11 ng 17 na tira at nag-rebound ng 13 beses. Si Lance Stephenson naman ay gumawa ng 21 puntosa at si Paul George naman ay may 16. Hindi Nakalaro si David West ng 6 na magkakasunod na laro dahil sa masakit na likod. PInangunahan ni James Harden ang Rokets ng 22 puntos at 18 pasa.

Impormasyon sa Pampahimpapawid | Hanapin ang Listahan sa Inyo »

TV: FOX Sports Indiana (DirecTV 673 and Dish 440) – Chris Denari (play-by-play), Quinn Buckner (analyst)
Radio: FM 107.5/AM 1070 The Fan, Pacers Radio Network - Mark Boyle (play-by-play), Michael Grady (studio host)

6-Game Pack »
Purchase a 6-Game Pack and get Opening Night for Free


6-Game Pack with Opening Night for Free