Linggo, Ika-13 ng Oktubre, 2013 ng 1:30 ng umaga ET - Taipei, Taiwan

Haharapin ng Pacers ang Rockets Sa Taiwan

Scott Agness | October 13, 2013

Pantayan

Haharapin mulin ng Pacers at Rockets - sa Taipei, Taiwan naman ngayon - bago umuwi ng Indianapolis gabi ng Lingo. Ang laro ay gaganapin sa Lingo ng Hapon doon, 1:30 ng umaga sa Indy. Ito ay mapapanood ng live sa Fox Sports Indiana.

Ang Pacers ay kasama sa kaunahang paglalaro ng NB sa Taipei nuong 2009 kung saan kinalaban nila ang Denver Nuggets. Sina Danny Granger at Roy Hibbert lamang ang mga nakapaglaro sa grupo noon. Dahil sa 0-2 simula sa preseason, si Coach Frang Vogel ng Pacers ay umaasang ang kanyang koponan ay gumaling sa ilang parte ng kanilang laro, lalu na sa simula ng kanilang laban at depensa.

Pinagiba-iba niya ang linya na siyang nakadagdag sa kanilang hirap, pero dahil pinabayaan ang Houston maka-shoot ng 53 porsyento at maka-116 na puntos sa huling laban ay malaking taas sa kanilang madalas na laro. Ang formula sa tagumpay ay merong isang pumigil ng bola at mapabayaan ang Rockets na gawin kahit na anong gusto nila - na maka-shoot sa panakbo.

Pagkabalik galing sa operasyon sa tuhod, si Danny Granger ay patuloy na nag-lalaro ng higit-kumalang na 30 minuto bawat laban. Sya ay 2-sa-10 sa bawat isa ng huling dalawang laban, marami sa sala ay malapit sa basket. Pinasok ni Coach Vogel si Lance Stephenson para kay Granger at siya ang nilaro sa buong pangatlong sangkapat para mapagmasdan kung papaano siya maglaro kasama ang iba pang starters.

Si Chris Copeland ay isa pang manlalaro na panonoorin. Siya ay panay mintis din sa huling laro, isa lang ang pumasok sa walong tira. Sa training camp, bihira sumala ang kanyang tira kahit bahagya lang nya mahawak ang bola.

Ang pangunahing pokus sa Rockets ay pigilan ang kanilang mabilis na maraming puntos na opensa. Kapag si Dwight Howard, na huling pumirma sa Rockets nung tag-araw, ay nasa sahig, kailangan ng Indiana na palaging isaisip kapag siya ay nasa pintura. Ang sentro ng Pacers na si Roy Hibbert ay amenado na hirap siay kay Howard, pero maganda ang kanyang huling laro laban sa kanya. Si James Harden, na unang nag-laro sa All-Star nung nakalipas, ay kaya ding makapuntos ng mabilis kapag tumira sa malayo at mabilis na kilos sa loob.

Mga Pwedeng Magsimula

Roy Hibbert

Roy Hibbert

David West

David West

Paul George

Paul George

Lance Stephenson

Lance Stephenson

George Hill

George Hill

Dwight Howard

Donatas Motiejunas

Chandler Parsons

James Harden

Jeremy Lin

Ulat ng Kapinsanan

Pacers: Wala
Rockets: Omer Asik (Binti), Marcus Camby (talampakan) Francisco Garcia (singit), Greg Smith (baywang) and Reggie Williams (singit)

Ayon sa Kanila

“Napakahalaga kapag uma-alis kami ng Indiana at makilala pa. Malina na twing malayo ang iyong marating sa playoffs, mas madami ang manonood. Mahalaga sa amin na pumarito. Ito ay isa sa mga gusto naming gawin. Kami ay may pangalan at gusto namin na lahat, kahit na gusto nila kami o hindi, na makilala man lang kami." - Presidente ng Pacers na si Larry Bird tungkol sa paglahok ng koponans sa Larong Pandaigdig.

“Gustong-gusto ko. Gustong-gusto ko na ang NBA ay nilalaro sa buong mundo pati ang suporta dito sa Pilipinas at sa Tsina. kung saan kami pumunta dati sa Taipei, talagang global. Nakaka-pangibabaw ng damdamin para sa akin na nakahahalina, isang bagay na aking aangkinin.” Napakaganda ng dulot nito sa laro kasama ng supporting aming natanggap dito.” Frank Vogel tungkol sa Palarong Pandaigdigan.

“Napaka-pisikal… Malakas dumipensa at magaling sa opensa, kahit ano pa ang sabihin ng iba. Magaling siya gumalaw doon. Ako ay hindi nito pahihingahin at di na ako makapaghintay lumaban.” – Roy Hibbert tungkol kay Dwight Howard

Katang-tangi

  • Panalo ang Pacers sa huling tatlong pagtatagpo kalaban sa Houston sa regular na season.
  • Sa biyaheng ito, ang Pacers ay lumakbay ng 16,670 milya sa eroplano – pangalawang pinaka-mahabang biyahe na nalampasan lamang ng Houston (17,200).

Huling Pagtagpo

Ika-10 ng Oktubre: Nabigo ang Pacers na pabagalin ang opensa ng Rockets at sila ay pinabagsak sa Maynila, 116-96. Pinahulog ng Rockets ng maaga, umabante ng 12-0 at di na nag-palamang muli. Ang guardia ng Rockets na si James harden ay may pinkamataas na puntos na 21 sa panalo.

Ang Rockets, ang naturingan na bisita sa laro, ay pinapasok ng 53 porsyento at nakapasok papuntang basket ng madalas. Naka 62 silang puntos sa pintura kasama ng 27 puntos galing sa 19 na pagkakamali ng Indiana.

Si Paul George na may pinakmaraming puntos na 17 ay may 5 pagkakamali din - isang bilang na kanyang kinaiinis. Dumagdag si David West ng 14 at si Orlando Johnson naman ay nagpapasok ng 11 puntos, lahat sa huling sangkapat.

Impormasyon na Panghimpapawid

TV: FOX Sports Indiana (DirecTV 671 and Dish 418) – Chris Denari (play-by-play), Quinn Buckner (analyst)
Radio: FM 107.5/AM 1070 The Fan, Pacers Radio Network - Mark Boyle (play-by-play), Michael Grady (studio host)

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.



6-Game Pack with Opening Night for Free