Scott Agness headshot

Dumating ang Pacers sa Asya Puno ng Pagmimithi

by Scott Agness | @ScottAgness

October 7, 2013

Pumalapag ng matiwasay ang Indiana Pacers sa Maynila sa Pilipinas nung Linggo ng gabi, mga 18 oras matapos umalis ng Indianapolis kasunod ng unang laro sa preseason. Ang Pacers ay isa sa 12 na mga koponan ng NBA na kalahok sa Palarong Pandaigdig ng NBA at maglalakbay ng mga labis kumulang na 16,670 milya sa alapaap na pangalwang pinaka-mahaba sa lahat. Kasama sa grupo ang mga coaches, manlalaro, mga kawani, at ilan sa kanilang mga pamilya, Pacemates, kawan ng istatistika, piling mga padrino at mga natatanging bisita ng kumpanya. Dumating ang grupo galing sa kabila ng mundo exactong 12 oras una sa atin sa Indianapolis na nasa Eastern Standard Time, sa isang maayang pagtanggap ng mga mananalubong na matyagang naghintay at sabik sa kanilang pagdating. Sila ang mga tagahanga na galak na galak sa pagdating ng NBA sa bansa.

Si Donald Sloan ay isa sa mga nakarating na dati sa Maynila at alam niya kung ano ang mararanasan.

“Isang kahanga-hangang lungsod,” ani niya bago lumipad ang koponan. “Sila ay napaka-passionate sa kanilang mg laro, lalu na sa basketbol. Ang mga ito ay mga sikat na – PG [Paul George], G-Hill [George Hill], [David] West, and [Roy] Hibbert – pero ang mga kagaya ko, Ron Howard, at Darnell Jackson, itratrato kaming parang si Elvis. Kahanga-hanga. Tingin ko ay magugustuhan nila talaga ito.”

Sumali ang 25-taong gulang na point guard sa Pacers matapos maglaro sa Atlanta, New Orleans (dalawang beses), Clevelang at sa D-League. Ang kanyang laro sa Maynila ay umabot ng isang buwan noong 2011 na kasapi sa Ginebra Kings, isa sa pinaka-sikat na koponan doon. Sabi niya na ang mga tagahanga doon ay matatalino tungkol sa liga at makikilala ang kanayang mga ka-koponan kahit ilang milya ang layo pa.

Dahil galing na ako dati doon, ramdam ko na akoy napaka-sikat,” ani ni Sloan. “Iyon ang una kong paglalaro sa ibang bansa dahil bago doon ako ay naglaro ng isang taon sa D-league sa Reno. Iyon ang una kong pagkakataon mag-laro sa ibayong dagat at makatungtong sa lupang banyaga para makipaglaro sa kanila at ako ay kanilang lubusang tinaggap.

Galak na galak si Sloan makabalik muli, ngayon kasama ng kanyang mga ka-koponan, at balak makipagkita sa dating mga kalaro. Bukod sa makakakain ulit siya sa kanyang mga paboritong lugar, mas minimithi nyang mamasyal sa mall, sa lahat ng pwedeng puntahan. Hindi pangkariniwan, ano?

"Magtiwala ka, sa dami at kalidad ng mabibili mo sa kanilang presyo, talagang magaling," sabi niya.

Mapalad sila at ibang kasama niya sa biyahe dahil sakay sila ng arkiladong eroplano. Ang laki at bigat ng kanilang mga maleta ay hindi problema.

Si Chris Copeland, isa pang baguhan, ay 29 taong gulang, pero pangalawang taon na sa NBA. Bago dumating sa NBA, isa rin siyang manlalakbay - naglaro sa Spain, sa Netherlands, Germany, at Belgium. Hindi siya umabot ng Pilipinas o Taiwan, kaya kagaya ng iba, natutuwa din siya sa kanilang paglalakbay.

"Tiyak na aking ikinagagalak na makita ito," ani ni Copeland. "Ito'y napaka-inam. Gustong-gusto ko mangibang-bayan at maranasan ang ibang kultura at bago at kaibang mundo doon kaya ako ay sabik din dahil hindi pa ako nakarating sa parehong lugar."

"Lahat ng aming asawa ay kasama at iniwan namin lahat ng anak sa bahay kaya lahat ay masaya," sabi niya na may kasamang ngisi matapos ang laro nung Sabado. "Kami ay lalabas (kasama mga asawa) at may dagdag pa. Para lang dagdagan kung anuman ang aming nagawa na."

Naalala ni Frank Vogel nung huli nilang paglalakbay na ang interes sa NBA ay kapuna-puna. Isang kaibigan ni coach ay may kapamilya sa Pilipinas kinunan nila ng litrato siya sa isang malaking larawan nung isang taon (di na maalala ni Vogel kung nasa kanya pa ito). Sinabi sa kanya na dumami ang nakikitang jersey ni David West at Paul George. Lumalaki at lumalakas ang kinatawan ng Pacers.

"Masasabi mong mas higit pa ang pag-trato sa kanila doon kay sa dito dahil bihira lang sila makita doon.," ani ni Vogel. "Tuwing darating kami sa bansang kagaya doon, ito'y laging isang malaking bagay."

Dagdag pa sa dalawang laro - Ika-10 ng Okt. at ika-13 ng Okt. - laban sa bagong hitsura na Houston Rockets (pumirma si Dwight Howard galing free agency), makikilahok ang mga miembro ng organisasyon sa mga pananalita, ugnayang NBA Cares, at mga personal na pagkukusa. Ang Pacemates at Booer ay sumama rin para mapahusay ang kasiglahan at lalung mapadami ang bagong tagahanga.

Kailangang ma-balanse ni Coach Vogel at ng koponan ang basketbol at pamilya, pati paglilibot at pagbisita sa fans. Sa larangan ng basketbol, kailangan nilang tunguhin ang maging mas malapit sa isa't isa, pagyamanin ang kanilang sistema at makapag-panalong gawi na kinakailangan tuwing aapak sa basketbolan.

"Ang mga lakaring ganito sa tingin ko ay mabuti para sa aming ugnayan," sabi niya. "Ito ay isang lakaring trabaho na pagkakataong maipagtitibay ang pagkakaibigan. Meron kang mga kaibigan ngayon sa koponan na pag uwi mo ay lalung tumatag. Tapos ang mga baguhan, pagkakataon ito na magsimula ng bagong pagkakaibigan at makilalang mabuti ang ilan. Kasama mo sila pagsugod sa labanan kaya ang isang paglalakbay na kagaya nito ay makakabuti para doon.

Nakatakdang bumalik sa Indianapolis ang Pacers sa Linggo, ika-13 ng Oktubre.

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.

Note: The contents of this page have not been reviewed or endorsed by the Indiana Pacers. All opinions expressed by Scott Agness are solely his own and do not reflect the opinions of the Indiana Pacers, their partners, or sponsors.