96
116

Huwebes, Ika 10 ng Oktubre, 2013 alas 7:00 ng gabi EDT sa Mall of Asia Arena, Pilipinas

Balik Laro: Pacers 96, Rockets 116

Scott Agness | October 10, 2013

Game Pagbabalik-tanaw

Sa wakas, makalipas ang ilang araw na masanayan ang 12 agwat na oras, mamasyal, at makihalubilo sa mga tagahanga sa bagong bansa pati na ang iba't ibang pagtuturo, panayaman at pangyayari, ang Indiana Pacers ay nasa basketbolan muli para sa pangalawang laban sa preseason nuong Huwebes. Mahina ang kanilang panimula at nahirapang pabagalin ang Houston Rockets. Sa pinamunuan ng 21 puntos ni James Hard, tinalo ng Rockets ang Pacers ng 116-96 sa Mall of Asia Arena sa Maynila, Pilipinas.

Sa kanilang paglahok sa Palarong Pandaigdig ng NBA, ang pagtagpo ng Indiana at Houston ay una nilang pagkakalaro sa Pilipinas - at ang laban ay sa harap ng napaka-ingay, mapagsalamat at punung-punong arena (nakatalang manonood: 12,885)

Walang pumasok sa unang apat na tira ng Pacers at tatlong beses binigay sa kalaban ang bola kaya naman ang Rockets ay mabilis na lumamang na 12-0, at napilitang tumawag ng time out si coach Frank Vogel ng Pacers. Hindi nagpakita ang depensa ng Indiana sa buong laro. Bahagya lamang naapektuhan ang pagkilos ng Rockets papunta sa basket kaya maraming layup ang pumasok. Nung nalamangan ng 15, nailapit ng Pacers na hangang 7 na lamang sa 10-2 takbo matapos ang unang sangkapat.

Sinubukan ni Vogel ang iba't ibang kombinasyon ng manlalaro. Inumpisahan niya ang ikalawang sangkapat na maglaro sina C.J. Watson, Solomon Hill, Danny Granger, Luis Scola at Chris Copeland. Napahigpit ng grupong ito ang laban, lumiit hanggang sa dalawa na lang ang lamang kasunod ang dalawang layup ni Scola. Ang mga malaking sina Roy Hibbert at Dwight Howard ay napatawan ng ilang foul kaya di na ipinasok sa ikalawang sangkapat. Tinigil din ang laro ng higit na 10 minuto dahil nawalan ng koryente ang mesa ng scorer - kasama ng dami ng fouls - at ng matapos ang kalahati ng laro, ang Indiana ay natatalo ng 61-55.

Si Danny Granger, na galing sa operasyon sa tuhod anim na buwan ng nakalipas, ay naglaro ng 8:32 minuto ng ikatlong sangkapat kasama ang madalas na tagasimula maliban kay Lance Stephenson. Di pa pumapasok ang kanyang layup dahil di pa nakabalik ng husto ang kanyang lukso, pero bumabalik na ang tiwala sa sarili sa bawat laro. Siya ay 2-sa-10 at di pa pumapasok ang mga tira sa kanyang kagustuhan pero darating din yon. Nadagdagan ang kanyang oras ng laro sa preseason at iyon ang kanyang talagang kailangan sa ngayon.

Pinalaro ni Vogel ang mga nasa bangko sa ikaapat na sangkapat at lumabas ang gilas ni Orlando Johnson sa kakaunting mga minuto. Ito ang kanyang pangalawang taong paglalaro pero nagpakita ng ibayong sigla, naunahan ang depensa at nakakalusot pag may pagkakataon. Naka 11 puntos siya pero may apat pa sana dahil 2-sa-6 lang siya sa foul line.

Pinkakailangan ng Pacers ang mag-depensa at pigilan ang bola sa pag-palit ng hawak. Parehong di magawa at yon ang nagpatalo sa kanila. Sa nakalipas na season, Houston ang isa sa pinaka mataas ang puntos sa liga bawat laro at di ito nagbago. Ang pagsuko ng 116 puntos ay di kanais-nais para kay Vogel. Umalis ang Houston na may 20 puntos na lamang, at gagawin muli ito ng dalawang koponan sa Linggo sa Taipei.

Sa Loob ng mga Bilang

Pinabaliktad ni Paul George ang bola ng limang beses, pero siya ay mabisa at 7-sa-13 sa court kaya pinangunahan ang Pacers ng 17 puntos. Si David West ay nakamit ang 14 puntos at George Hill at Luis Scola ay may 10 puntos bawat isa. Si Roy Hibbert, laban kay Howard, ay may anim na puntos, walong rebound, apat na sapal at apat na turnover.

Si Omri Casspi lang ang naka double-double, na may 17 puntos at 10 rebound - galing sa bangko. Si Donatas Motiejunas naman ay may 16 puntos at dumagdag si Chandler Parsons ng 15. Si Dwight Howard ay napigilan sa 9 na puntos, 3 rebound at isang sapal. Kagaya ni Hibbert, apat na beses pinabaliktad ni Howard ang bola.

Di mapigilan ang Rockets sa loob ng pintura at nakamit ang 62 sa kanilang 116 puntos (53 porsyento) - mas marami ng 20 kumpara sa Pacers. Di mapigilan ng Pacers ang Rockets tuwing maagaw nila ang bola at nabigyan pa ng kadagdagan 26 puntos dahil dito.

Lamang lang ng kaunti ang bangko ng Rockets sa Pacers na 54-45.

Natatanging mga Sinabi

"Masaklap na pagkatalo ito. Maaga pa sa preseason. Tingin ko ay nahirapan magdepensa ang mga bata ng kaunti tuwing nakukuha ng kabila ang bola. Kapansin-pansin ang pagkamasugid ng Rockets na itakbo ang bola. May maganda kaming nagawa sa opensa, gumalaw ng maayos ng bola, [pero] di pa rin sapat." - Frank Vogel

"Tingin ko lang din na sila ay talagang mabilis, at kailangan naming pagbutihin ang pagpigil sa bola nila at aming depensa tuwing makuha ng kabila ang bola." Frank Vogel sa Rockets

"Madali naming pagiba-ibahin ang anyo ng bangko... Marami pa silang dapat matutunan tungkol sa aming sistema. Gusto ko ang talento namin galing sa bangko at sa tingin ko ito ang aming magiging kalakasan ngayong taon.." - Frank Vogel sa kanyang linya sa bangk

Stat ng Laro

Naka 27 puntos ang Rockets galing sa 19 na turnover ng Pacers.

Mga Iba pang Ulat

  • Hindi naglaro sina Ron Howard at Darnell Jackson para sa Pacers. Sa Rockets, hindi naglaro si Omer Asik (binti), Marcus Camby (talampakan) Francisco Garcia (singit), Greg Smith (baywang) and Reggie Williams (singit) sa mga sakit sa katawan.
  • Pinakamasigabong ang sigawan ng mga manonood sa pagka sabi ng pangalan ni Paul George.
  • Nanood ang NBA Commissioner na si David Stern sa laban.
  • Ang may ari ng Pacers na si Herb Simon ay sumama din sa biyahe.

Ang Susunod

Kakalabanin ng Pacers ang Houston Rockets muli sa Linggo - pero ito ay sa Taipei, Taiwan. Ang laban ay gaganapin ng 1:30 ng umaga at maririnig sa FOX Sports Indiana at sa 1070 The Fan.

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.