Subaybayan sa Pacers.com sa Tatlong Wika ang Paglalakbay ng Pacers sa Asya

Official Release

October 4, 2013

INDIANAPOLIS - Sa pagdating ng Indiana Pacers upang maglaro sa sususunod na lingo sa Maynila, Pilipinas at sa Taipei, Taiwan, inyong masusubaybayan ang kanilang paglalakbay sa tatlong wika.

Pagpunta ninyo sa Pacers.com/Global Games, makikita ang tatlong wikang pagpipilian (buttons): (1) English; (2) Mandarin; (3) Filipino. Masusubaybayan ninyo ang mga balita tungkol sa praktis at preparasyon para sa mga laro kalaban ang Houston sa Huwebes na ika 10 ng Oktubre sa Maynila, at sa Linggo na ika 13 ng Oktubre sa Taipei.

"Ang aming pagpunta sa Taipei at Beijing nuong 2009 ay nag-dulot ng panibagong pagyabong ng dami ng manonood," ani ng Sports & Entertainment Chief Operating Officer na si Rick Fuson sa Ingles. "Kami ngayon ay may maraming tapat na tagahanga sa Asya at ito ay isang malaking pagkakataon na pagtibayin ang aming kaugnayan sa kanila at muli itong maparami."

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.