Pacers Maglalaro ng Dalawang Beses sa Asya

Official Release

Marso 5, 2013

Indianapolis - Ipinahayag ng National Basketball Association an maglalaro ang Indiana Pacers ng dalwawang beses sa Asya so Oktubre.

Sa ika 10 ng Oktubre, Ang Pacers ay maglalaro laban sa Houston Rockets sa Maynila sa Pilipinas sa Mall of Asia Arena. Sa Okt. 13, muling maglalaban ang Pacers at Rockets sa Taipei Arena sa Taipei, Taiwan. Ito ang pangatlong laro ng Pacers sa ibang bansa. Nuong 1996, dumayo ang Pacers laban sa Seattle sa Berlin, Germany at Seville, Spain. Nuong 2009, naglaro ang Pacers laban sa Denver Nuggets sa Taipei at Beijing China.

"Madalas kong mabalitaan na ang NBA basketball ay napaka-popular sa Pilipinas," sabi ng may ari ng Pacers na si Herb Simon. "Isa itong pagkakataon na dalhin ang basketball at pumasyal sa kahanga-hangang bansa. Saka, kami ay natutuwang bumalik sa Taiwan kung saan nabigyan kami ng maayang pagdalo nuong 2009."

"Hindi na ako makapaghintay bumiyahe kasama ng aking mga teammates para sa dalawang laro at maging ambahador ng NBA," ani ng centro ng Pacers na si Roy Hibbert na isa sa mga dumayo nuong 2009. "Ang una kong pag-dayo ng NBA basketball sa Pilipinas ay minsan lang mangyari sa iyong buhay at labis ang aking galak na makabalik sa Taiwan. Ang aming tagahanga doon ay napakagaling."

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.