98
107

Linggo, ika-13 ng Oktubre, 2013 ng 1:30 ng umaga ET - Taipei, Taiwan

Balik Tanaw ng Laban: Pacers 98, Rockets 107

Pacers.com Staff | October 13, 2013

Balik Tanaw ng Laban

Naipasok ng Houston Rockets ang 15 3-pointer at pitong manlalaro ang nag-double figures para talunin ang Indiana Pacers ng pangalawang magkasunod na pagkikita ng 107-98 sa Taipei, Taiwan. Ang laban nung Linggo ay tatlong araw matapos talunin sila ng Rockets 116-96 sa Maynila sa Pilipinas.

Ang Pacers ngayon ay 0-3 na sa preseason. Gumaling ang Houston ng 2-1. Dito nagtapos ang pagkalahok ng dalawang koponan sa Palarong Pandaigdig at babalik na sila ng Estados Unidos sa Linggo ng gabi.

Lumamang ang Houston ng 15 puntos sa gitna nuong Linggo ng gabi, pero di na nakayanan ng mabagyong pagbabalik ng Pacers ng simulan ng takbong 27-14 sa simula ng ikatlong sangkapat na napaliit ang lamang ng Rockets sa dalawa na lamang. Dalawang beses bumaba ang lamang sa dalawa sa huling sangkapat, ang huli ay ng mag-3-pointer si C.J. Watson para maging 84-82 na may 8:39 na lang ang nalalabing minuto sa laro.

Sinagot naman ito ng Houston ng takbong 19-3 para siguraduhing tapos na ang laban.

Pinamunuan ni Paul George ang Indiana ng 19 puntos sa 7-for-14 na tira (3-sa-5 galing 3-point ang layo). Dumagdag ng 17 puntos is George Hill. Si Danny Granger naman ay may 15 puntos sa 5-sa-13 na tira (3-sa-5 sa 3-point ang layo) at siyam na rebound. Si C.J. Watson naman ay nagdagdag ng 14 na puntos galing sa banko sa 4-sa-5 na tira, pero may anim na pagkakamali. Pinangunahan ni James harden ang Houston ng 21 puntos. Si Jeremy Lin naman ay nagdagdag ng 17 puntos sa 6-sa-8 tira. Lahat ng 15 puntos ni Francisco Garcia ay nanggaling sa arko na 5-sa-8 sa malayo. Dumagdag ng 13 puntos si Omri Casspi at 9 na rebound.

Masmaraming rebound na opensa ang Houston kumpara sa Pacers ng 11-3.

Hindi naglaro ang pangunahing pamalit ng Indiana na si Luis Scola na kanilang forward para makapahinga.

Ang susunod na larong eksibisyon ng Pacers ay sa Miyerkules ng 7 ng gabi ET, para kalabanin sa sariling bayan ang Dallas Mavericks sa Bankers Life Fieldhouse.

11-Game Fan's Choice »
Purchase an 11-Game Pack and choose your favorite games to attend.

6-Game Pack with Opening Night for Free